Posts

Showing posts from March, 2019
Image
Edukasyon  Sapul sa pagkabata, ako ay nangarap Na magkaroon ng magandang bukas Ngunit kita ng magulang ko’y di sapat Pangtustos pag-aaral kami ay salat. Sa mura kong isipa’y, ako’y nagtrabaho, Halos sekundarya nahirapan ako Aral sa umaga, trabaho sa gabi Sa isang tindahan, ako ay nag silbi. Lahat ng hirap di ko alintana, Sapagkat alam kong, ako’y pinagpala, Dahil may masaya kaming pamilya kahit na maralita Nagtulong-tulong kami at nagtiyaga. Sa dami kong dinaanang mga paghihirap  Mga kapatid ko’y nakatapos sa pag sisikap Kaya panahon na, ako naman ang nag aral Dahil para sakin ito’y isang dangal. Pagkatapos ng lahat ng aming paghihirap Ako nama’y ngayo’y nagsisikap Edukasyon aking pinangarap Tila na maabot sa hinaharap. Kaya payo ko sa inyo mga kabataan, Mag-aral na mabuti upang tagumpay ay makamtan Lalo na’t magulang nyo’y may pampaaral Huwag mag-...