Edukasyon 


Sapul sa pagkabata, ako ay nangarap
Na magkaroon ng magandang bukas
Ngunit kita ng magulang ko’y di sapat
Pangtustos pag-aaral kami ay salat.

Sa mura kong isipa’y, ako’y nagtrabaho,
Halos sekundarya nahirapan ako
Aral sa umaga, trabaho sa gabi
Sa isang tindahan, ako ay nag silbi.

Lahat ng hirap di ko alintana,
Sapagkat alam kong, ako’y pinagpala,
Dahil may masaya kaming pamilya kahit na maralita
Nagtulong-tulong kami at nagtiyaga.

Sa dami kong dinaanang mga paghihirap 
Mga kapatid ko’y nakatapos sa pag sisikap
Kaya panahon na, ako naman ang nag aral
Dahil para sakin ito’y isang dangal.

Pagkatapos ng lahat ng aming paghihirap
Ako nama’y ngayo’y nagsisikap
Edukasyon aking pinangarap
Tila na maabot sa hinaharap.

Kaya payo ko sa inyo mga kabataan,
Mag-aral na mabuti upang tagumpay ay makamtan
Lalo na’t magulang nyo’y may pampaaral
Huwag mag-atubili, pag-aaral pag butihan.



Comments

  1. You inspire me..thanks for sharing your experience

    ReplyDelete
  2. You inspire me..thanks for sharing your experience

    ReplyDelete
  3. Nice one mommy janeth �� Keep it up ��

    ReplyDelete
  4. Age is not a hindrance to achieve your dreams...keep on believing..you serve as an inspiration to us.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

TAYAK HILL

This is What Travel Means To Me