Guro, sino nga ba sila? Ang mga Guro ay ang pinaka mahalagang parte ng ating lipunan.Layunin nila ay hindi upang lumikha ng mga mag-aaral sa kanilang sariling imahe, ngunitupang bumuo ng mga mag-aaral na maaaring gumawa ng kanilang sariling imahe. Ngunithindi madali ang pagiging Guro dahil maraming sakripisyo, responsibilidad at tungkulin nadapat gawin ang isang Guro.Maraming tungkulin ang mga Guro sa kanilang mga mag-aaral isa na dito ay ang paraan ng
pagpapalawak ng kanilang kaalaman. Para mapadali ito dapat gumawa sila ng “lessonplan” upang gawing gabay sa pagtuturo at paggamit ng mga “visual aid” tulad ng sa Manila
Paper o sa kartolina na may palamuti upang masiyahan ang mga mag-aaral na makinig sa
guro. Isa rin sa paraan ang pagsali ng mga iba’i
-ibang paligsahan upang mahasa ang mgamag-aaral na maipakita at maipala
bas ang mga kaalaman sa iba’t
-ibang tao. Tulad ng mga
“Quiz bee” sa mga asignatura ng Matematika, agham at iba pa. Mainam rin ang pagsali ng
mga kompetisyon sa sayawan , kantahan at iba pa na naipapakita ang talento ng isangmag-aaral. Isa lang ito sa mga paraan na hindi lang karunungan ang kanilang maipapakita
kundi ang mga iba’t
-ibang talentong mayroon ang isang mag-aaral.Isa rin sa tungkulin ng guro ay pagtuturo ng maging mabuting tao at mamamayan salipunan ang mga mag-aaral isa dito ang maging pangalawang ina o ama sa mgaestudyante. Pakinggan ang mga problema o mga hinanakit ng mga mag-aaral atpagbibigay ng mga mabuting payo na makakatulong na mapalawak ang isipan ng isangmag-aaral. Maging isang rin modelo o ihemplo sa mag-aaral. Pumasok ng matiyaga kahitpasaway at makulit ang mga mag-aaral. Magbahagi ng mga kwento na magabayan sa
tamang landas tulad ng “Inspirational stories”, pagbabahagi ng salita ng Diyos. Sa ganitong
paraan ay nakikita ng mga mag-aaral ang kayusahan at kagalingan ng isang guro sa mgamag-aaral.Lahat ng mga mag-aaral ay may kanya-kanyang gusto na guro dahil sa kung paano silamagturo at makikihalubilo sa mga mag-aaral. Kung may gusto hindi rin mawawala ang
ayaw sa guro, isa na rito ang pagiging srikto, “KJ”, mainitin ang ulo o ma
daling magalit.Pero kahit ano pa yan ay maraming mga guro na ginagawa ang lahat para sa kanyang mgaestudyante .Ang problema nga lang ay ang mismong mga estudyante ang ayaw matuto.Maraming dahilan kung bakit nasa paaralan ang mga bata. May gustong marating sa
buhay, pinipilit ng mga magulang, at ang iba ay pumupunta lang ng walang rason. Iba’t
-ibaman ang rason ay isa lang ang hadhikain ng mga guro at iyon ay magturo sa mga bata
1. Ang guro ay tagapagturo. Pangunahin sa mga tungkulin ng guro ang pagtuturo. Ang mahabang oras sa panahon ng guro ay ginugugol sa harap ng klase sa loob ng silid-aralan upang magbigay ng impormasyon, gumigising ng kawilihan ng mga mag-aaral sa paksang tinatalakay, magpaliwanag, makipagtalakayan, magtanong at tumugon sa mga katanungan ng mga mag-aaral.
2. Ang guro ay modelo o huwaran. Ang pagiging uliran o modelo ay isa sa mga 'roles' ng guro. May mga asignaturang higit na mabisang 'maituro' o ' maikintal' sa pamamagitan ng Values Education, higit na maihahawa ng guro ang mag-aaral sa kanyang kabutihang-asal, pagiging modelo ng integridad, moralidad at kabutihang loob. Gayon din naman sa pagtuturo ng mga kasanayan at kakayahan sa Physical Education, sa H.E at iba pang kauring asignatura.
3. Ang guro ay tagapamahala o manedyer. Nasa mabuting pangangasiwa ng guro ang pagkakaroon ng episyenteng galaw at mga gawain at pamamahala ng mga gawaing higit na mag dudulot sa mag-aaral ng mga kapaki-pakinabang na karanasan. Kasali sa mabuting pangangasiwa ng guro ang paghahanda ng mabuting banghay-aralin, paghahanda ng pagsusulit, pagbibigay ng grado o marka at iba pa. Naisasagawa ng klase ng mabilis, maayos at hindi nagkakagulo ang mga routines, gaya ng pagpasok at paglabas sa silid, pagpasa ng aklat o papel o kagamitan, mga pangkatang gawain at iba pa.
4. Ang guro ay tagapayo at tagapatnubay. Bagaman at sa malalaking paaralan ay may sadyang tanggapan pra sa tinatawag na mga guidance counsellors, hindi pa rin maiiwasan ng guro ang pagiging tagapayo at tagapatnubay ng mag-aaral upang matulungan ang mga mag-aaral sa paglutas ng kanilang suliranin. Malaking bagay na sa mga mag-aaral na may mga guro silang handang makinig ng kanilang suliranin.
Ang guro ay magulang/ina/ama sa paaralan. Ang mga guro ay mga surrogate parent. Pinangangalagaan nila ang kanilang mga mag-aaral tulad ng pag-aalaga ng isang magulang sa kanyang mga anak. Pinangangalagaan o intelektuwal na pagkalinang kundi maging ang ibang kapakanan ng mag-aaral sa aspektong emosyonal, sosyal, moral-ispiritual at pisikal man.
REFERENCES:
https://www.scribd.com/document/353906261/Tungkulin-Ng-Mga-Guro-Sa-Kanilang-Mga-Estudyante
https://prezi.com/px9ckun5hdha/mga-tungkulin-ng-guro/

Comments
Post a Comment