ISANG BATAS NA NAGKAKALOOB NG TULONG NG PAMAHALAAN SA MGA MAG-AARAL AT GURO SA PRIBADONG EDUKASYON, AT PAGLALAAN NG MGA PONDO PARA RITO

ISANG BATAS NA NAGKAKALOOB NG TULONG NG PAMAHALAAN SA MGA MAG-AARAL AT GURO SA PRIBADONG EDUKASYON, AT PAGLALAAN NG MGA PONDO PARA RITO

BATAS REPUBLIKA BLG. 6728 

SEKSIYON 1. Pamagat. – Kikilalanin ang Batas na ito bílang “Batas sa Tulong Pampamahalaan sa Mga Mag-aaral at Mga Guro sa Pribadong Edukasyon.”

SEKSIYON 2. Pagpapahayag ng Polisiya. – Isang ipinahayag na polisiya ng Estado alinsunod sa mandato ng Saligang Batas na palaganapin at gawing maaabot ng lahat ng mga mamamayang Filipino ang edukasyong may-kalidad. Kinikilala rin ng Estado mula rito ang nagtutugunang mga papel ng mga pampubliko at pribadong institusyong pang-edukasyon sa sistemang pang-edukasyon at ang mahalagang naiambag at maiaambag ng mga pribadong paaralan sa edukasyon. Para sa mga layuning ito, magkakaloob ang Estado  ng mga mekanismo upang mapabúti ang kalidad ng pribadong edukasyon sa pamamagitan ng paglubos sa paggamit ng mga kasalukuyang yaman ng pribadong edukasyon, pagkilala sa responsabilidad ng pamahalaan upang magkaloob ng batayang edukasyon sa elementarya at sekundarya nang may priyoridad sa gawain nitong magkaloob para sa lalong mataas na edukasyon.

SEKSIYON 3. Mga Batayan para sa Pagtulong. – Ang mga programa para sa pagtulong ay magiging sang-ayon sa itinakdang mga batayan na magsasangkot ng, kasama ng iba pa, mga bayarin sa matrikula na sinisingil ng mga paaralan, mga pangangailangang sosyo-ekonomiko ng bawat rehiyon, pangkalahatang gawain ng mga paaralan, mga kalipikasyong akademiko at pangangailangang pampananalapi ng mga mag-aaral, 
 gayundin ang heograpikong saklaw at laki ng populasyon ng mga mag-aaral. 
Bilang karagdagan sa mga nabanggit na batayan, sa loob ng katanggap-tanggap na panahon na itatakda ng Lupon ng Tulong Pang-estado, ang pinagkaloobang estudyante sa ilalim ng Programa sa Tulong Pinansiyal para sa Mag-aaral ng Pribadong Edukasyon ay ipapasok sa mga paaralang may mga programang may akreditasyon o sumasailalim sa akreditasyon sang-ayon sa pagtiyak ng Pederasyon ng mga Ahensiya sa Akreditasyon ng Pilipinas, gaya ng The Philippine Association of Accredited Schools, Colleges and Universities; Association of Christian Schools and Colleges Accrediting Agency; at ng Philippine Association of Colleges and Universities Commission on Accreditation.
Uunahin ang mga mag-aaral na ang kita ng pamilya ay hindi hihigit sa tatlumpu’t anim na libong piso (PHP36,000.00) o sa halagang titiyakin ng Lupon, sang-ayon sa pagpapakahulugan mula rito.
Para sa mga layunin ng Batas na ito, ang mga programang pantulong sa mga mag-aaral ng pribadong edukasyon matapos ang sekundarya ay ipagkakaloob din sa mga mag-aaral ng mga kolehiyong pangkomunidad at sa mga mag-aaral ng mga programang di-pandigri kasama na ang mga kursong bokasyonal at teknikal. Ang pagpapatupad ng programa ay makahihikayat ng mga mag-aaral na sumailalim sa edukasyong tersiyaryo sa parehong rehiyon kung saan nakatira ang kanilang mga pamilya.
Ang mga programang pantulong sa ilalim ng Batas na ito ay ipagkakaloob lámang sa mga mag-aaral na mamamayan ng Pilipinas. 

Reference:
     https://www.officialgazette.gov.ph/1989/06/10/batas-republika-blg-6728/

Comments

Popular posts from this blog

TAYAK HILL

This is What Travel Means To Me